Cherreads

Chapter 8 - HER POV IV

"Where can I find light in my darkness?"

HUGIS bilog ang aking mga mata habang nakatitig sa tatlong babaeng nasa harap ko ngayon.

What the f*ck.

Dali-dali ko silang tinalikuran at lumabas ng restaurant.

Masakit pa ang kanan kong paa matapos akong matisod kanina, pero ininda ko na lamang ang sakit at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa wala na akong ibang choice kundi hawakan ang paa ko at pilitin ang sarili kong maglakad pa.

I stopped for a while and checked my feet— pulang-pula na ito.

Tinapon ko ang black heels na suot ko at nagpatuloy sa paglalakad habang namimilipit sa sakit.

Samo't-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon ngunit kailangan ko munang tiisin ang lahat ng ito sa ngayon at makaalis mula sa paningin nila.

Kailangan kong lumayo sa kanila.

Mabuti na lamang at walang gaanong tao at sasakyan ang dumadaan ngayon.

Kasi kung marami pa, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang kahihiyan.

Habang namimilipit ako't naglalakad, aksidente kong nabangga ang aking injured feet sa bato, dahilan para mapasigaw ako sa sakit.

"Lanxie!"

Pipilitin ko na sana ang sarili kong tumakbo ngunit huli na sapagkat nahawakan na nila ang aking mga kamay.

"Hanggang kailan mo ba kami iiwasan, Ate?" umiiyak na tanong ni Lani.

Nanghina ako't napa-upo na lamang sa kalsada habang tinatakpan ko ng wavy kong buhok ang aking mukha.

"We need to bring you to the clinic para ma-check ang paa mo," saad ni Tita.

"You betrayed me," seryoso kong ani kay Lani.

She responded with a peace sign habang sina Tita at Quinn naman ay tahimik na nakatingin sa akin.

"I'm sorry Lanx, anak. Pinilit ko si Lani na isama kami ni Quinn sapagkat nais ka talaga naming makita— mayakap."

Tumulo ang mga luha mula sa mga mata ni Tita Quinnabelle.

My mouth shut but inside, I am crying hard.

Parang sasabog na ang aking damdamin mula sa halo-halong emosyon na pilit kong tinatago.

If only they knew how I prayed and waited for this moment to come.

If only I had the courage to show them how broke and lost I am.

If only I had the courage to tell them that I am defeated.

Kaso wala ako n'yan eh.

Hindi kasi ako sanay na nakakatanggap ng awa mula sa ibang tao kaya I always end up hiding from people.

Nahihiya ako— ikinakahiya kong magpakita ng aking pagkatalo, lalo na't lumaki ako sa pamilyang talunan.

Pero honestly, pagod na pagod na ako.

Nakakapagod ng mag-pretend.

Nakakapagod ng ngumiti't sabihin na "okay lang ako."

Nakakapagod ng lumaban.

Pagod na ako.

Pagod na pagod na pagod na ako.

"Lanxie."

Natauhan ako ng marinig ko ang nag-aalalang boses ni Tita.

Hindi ko namalayan na pinapahid na pala ni Tita ang walang humpay na ragasa ng aking mga luha.

"Pagod na ako, Tita," tanging naisambit ko na lamang.

Sinubukan kong tumingin sa kanila pero natatakpan ng mga luha ko ang aking paningin.

"I made this for you— our favorite, lemon juice."

Nilapag ni Lani sa mesa ang isang baso ng lemon juice at umupo sa aking tabi.

Bahagya akong nakangiti at nakatitig sa baso habang inaalala ko ang masasayang mga araw namin.

Kaylani Amira Gonzales.

She's my sister.

She's my everything.

Siya nalang ang mayroon ako.

Our parents left us at an early age.

Since then, kami nalang talaga ang magkasama at magkahati sa hirap, sakit, at ginhawa.

"I don't know what to do without you, Lani."

She hugged me and cried, "Don't worry, Ate. Eventually, everything will be alright. In the meantime, tiis-tiis muna tayo ha."

Hanggang kailan magtitiis?

I hugged her tight with a heavy heart.

"Inumin mo na ang juice, Ate, habang malamig pa," mungkahi niya at sinunod ko naman.

I still remember how we used to steal lemons from the fridge and secretly make juice while hoping it would be cold.

I am a year older than her.

"Dati, nagnanakaw lang tayo nito sa fridge at patago natin itong ginagawang juice habang umaasang sana we could do the juice with cold water," she paused.

"Good old days."

Both of us sighed while looking at each other.

Lani and I used to be kids full of hopes and dreams.

Now, I wonder, where's that hope?

Bakit hindi ko na ito makita at maramdaman ngayon sa sarili ko?

Bakit noon, kahit sobrang nahihirapan na ako, ay ngumingiti pa rin ako nang totoo?

Bakit ngayon, pilit nalang?

Ang genuine ko noon.

Ngunit pinipilit ko nalang lahat ngayon.

Dati, tunay na masaya ako kahit hindi kaaya-aya ang aking mga pinagdadaanan.

Ngayon, pinagpipilitan ko nalang sa sarili kong ngumiti.

Pakiramdam ko ay hindi na tunay ang lahat sa'kin.

I used to have light during my darkest moments in life.

Now, I wonder...

Where can I find that light again?

Kung babalikan ko ang lahat ng pinagdaanan namin ni Lani, para bang imposibleng umabot kami sa ganito.

I thought we were strong enough to endure everything. Magkakampi kami, walang iwanan.

Pero bakit ngayon, pakiramdam ko... ako na lang mag-isa?

Siguro nga, kasalanan ko rin. Ako rin naman ang naglayo sa sarili ko.

Noong natuto akong mangarap nang higit pa sa mga bagay na nasa harap ko. Noong inisip kong kaya ko nang lumipad nang mag-isa, habang si Lani ay naiwan sa ibaba, nangangapa sa dilim.

I thought chasing success was everything. Na kapag nakuha ko ang lahat ng inaasam ko, magiging masaya rin ako. Pero bakit gano'n?

Ang taas ng inakyat ko, pero ang sakit ng pagkahulog ko.

And now, I'm left wondering if all of it was worth it. Lahat ng sakripisyo, lahat ng pagsisikap— lahat ng oras na inubos ko sa pangarap na iniisip kong magpapalaya sa akin.

But the truth is... I am more trapped than ever.

Para akong ibong nakulong sa sariling mga pakpak.

Sinanay ko ang sarili kong maging malakas. Na kahit walang kakampi, kakayanin ko. Pero ngayon, ramdam na ramdam ko ang lungkot.

Dati, kapag nagkakamali ako, andiyan si Lani para suportahan ako. Para sabihing ayos lang. Para iparamdam sa akin na kahit anong mangyari, hindi ako nag-iisa.

Pero sa paglipas ng panahon, naging makasarili ako. Nakalimutan kong mayroon akong kapatid na umaasa rin sa akin. Na ako rin ang sinasandalan niya.

I was so focused on proving myself— on chasing a dream that turned into a nightmare.

I lost myself in the process.

Naalala ko pa noon, ilang beses kaming naglalakad pauwi ni Lani mula sa school. Hindi naman kami mayaman, pero hindi rin kami mahirap. Sapat lang. Pero nang mawala ang mga magulang namin, natuto kaming magtipid at magsikap nang higit pa sa nakasanayan.

Pero kahit gano'n, masaya kami. Dahil magkasama kami.

Now, I feel so alone.

"Pagod na ako, Tita." Iyon ang nasabi ko kanina, pero kulang pa 'yon para ilarawan ang tunay kong nararamdaman.

Hindi lang ako pagod. Takot din ako.

Takot akong aminin sa sarili ko na nagkamali ako. Na hindi ako sapat. Na kahit anong gawin ko, hindi ko maaabot ang mga expectations ko sa sarili ko.

Maybe that's why I keep running away. Lahat na lang tinatakasan ko.

Tinatakasan ko ang pamilya ko.

Tinatakasan ko ang sarili kong damdamin.

Dahil natatakot akong aminin sa sarili ko na mali ang mga desisyon ko.

Natatakot akong ipakita sa kanila ang kahinaan ko.

Hindi ba iyon ang dahilan kung bakit ako umalis? Kung bakit ko sila iniwan?

Dahil gusto kong patunayan na kaya kong maging matagumpay nang mag-isa. Na kaya kong abutin ang mga pangarap ko nang hindi umaasa sa ibang tao.

Pero ngayon, heto ako. Broken.

Empty.

Lost.

Nakakahiya.

Ang dami kong pangarap noon. Ang dami kong plano. Pero ngayon, parang wala nang natira.

It feels like everything I built crumbled before my very eyes. And I don't even have the strength to rebuild it.

Kahit ang simpleng pagtayo lang ay hindi ko magawa.

Nakakahiya.

Nakakapagod.

Now, they're here. Lani, Tita Quinn. The people I tried so hard to keep out of my life because I didn't want them to see me like this.

Weak. Broken. Miserable.

Ayokong makita nila kung gaano ako kabigo.

Pero heto sila. Nakangiti pa rin. Nag-aalala. Hindi nila ako iniwan kahit ilang beses ko silang itinaboy.

Bakit gano'n?

Ano bang ginawa ko para karapat-dapat pa rin ako sa pagmamahal nila?

Iniwan ko sila. Nilayo ko ang sarili ko. At ngayon, nandito pa rin sila para sa akin.

It doesn't make sense. And yet... somehow, it makes me want to cry even more.

Maybe that's why I keep pushing them away. Because I'm scared.

Scared that if I hold on to them... they'll eventually let go.

But what if... what if they're here to help me find my light again?

What if, after all this time, the light I've been searching for... is them?

Pagod na pagod na akong magpanggap.

Pagod na akong itago ang sakit at pagkabigo sa likod ng mga pilit na ngiti. Pero paano ba ako nagsimula sa ganito?

I used to be unstoppable. Fearless.

Topnotcher ako. The pride of my school, my family, my own self. I shattered expectations. I broke records. Naging headline ako sa halos lahat ng major news outlets.

I remember that day so clearly.

Nagising ako noon nang madaling-araw noong araw ng announcement. Hindi ako makatulog dahil sa kaba. Ramdam ko ang lamig ng pawis sa aking palad habang hinahawakan ang cellphone ko, naghihintay ng oras para buksan ang results.

"Ate, gising ka pa ba?" rinig kong tawag ni Lani mula sa kabilang silid.

She sounded sleepy, but I knew she was just as anxious as I was.

"Yes. Hindi rin ako makatulog."

Tumawa siya. "Ako rin. Ate, kinakabahan ako para sa'yo."

Hindi ko alam kung bakit, pero sa kabila ng kaba ko ay napangiti ako. Si Lani. My constant cheerleader.

"Hindi ko alam kung anong magiging resulta, Lani. Pero kung sakaling hindi ako pumasa—"

"Don't say that, Ate. Alam kong kaya mo 'yan."

"Pero paano kung—"

"Walang pero. Magtiwala ka. Naniniwala ako sa'yo."

Hindi na ako kumibo. Her words echoed in my mind. How can she be so sure of me when I wasn't even sure of myself?

The hours passed like a blur. Nang oras na ng announcement, para akong nasa isang trance habang naglo-load ang webpage. Pagkabukas ko ng listahan ng mga pumasa, parang huminto ang mundo ko.

My name. It was there.

Number one.

I broke the record. The highest score in the history of the bar exams.

"Lani!" sigaw ko habang tumatalon sa sobrang saya. "I did it! I actually did it!"

Narinig ko ang mga yapak niya papalapit at nang makita niya ang screen ng phone ko, sabay kaming napasigaw.

"Grabe, Ate! Ang galing mo talaga!"

Niyakap niya ako nang mahigpit. Ramdam ko ang pagmamahal at pagmamalaki sa yakap niyang iyon.

Sabay-sabay kaming umiyak ni Lani at Tita noon. Ang saya namin. Parang lahat ng hirap at sakripisyo ay nagkaroon ng saysay.

Dumagsa ang mga interviews, features, at offers. Everyone wanted a piece of me. I felt like I was on top of the world. And I became addicted to that feeling.

Recognition. Fame. Validation.

Masaya ako. O, mas tama sigurong sabihin na iniisip kong masaya ako.

Kasi kahit saan ako pumunta, tanggap ako. Pinupuri.

But I didn't realize that while I was chasing validation from the world, I was slowly losing the most important people in my life.

Lani was there all along, silently supporting me. Pero sa sobrang abala ko sa pagkamit ng pangarap ko, hindi ko na siya napapansin.

Madalas ko siyang iwan. Minsan, nalilimutan kong tawagan. Minsan, hindi ko nasasagot ang mga text niya.

Akala ko noon, okay lang. She'll understand. Palagi naman siyang nandiyan para sa akin.

But people can only take so much. Even Lani.

Nagising na lang ako isang araw na para kaming mga estranghero. Ang dating malapit naming relasyon, unti-unting naglaho.

And it was all my fault.

Kasabay ng mga pagkilalang natatanggap ko ay ang pagkakalunod ko sa ilusyon na sapat na ang tagumpay para punan ang lahat ng kakulangan sa buhay ko.

I was wrong.

Nagsimula ang lahat noong inimbita ako bilang guest speaker sa isang prestigious university. I was so excited. It was my biggest talk yet. Parang lahat ng pinaghirapan ko ay nagtutugma patungo sa araw na iyon.

Bago ako umakyat sa stage, nag-text si Lani.

Lani: Ate, I need to talk to you. It's urgent.

But I ignored it.

I was too focused on my speech. Too consumed by the thrill of standing in front of hundreds of people, delivering words that I hoped would inspire them.

After my speech, everyone applauded. I smiled and basked in their admiration. For a moment, I felt invincible.

Pero pagkababa ko ng stage, sunod-sunod ang mga tawag at mensahe ni Lani. Sa sobrang dami, nainis pa ako.

"What is it, Lani? I'm busy," sabi ko nang sagutin ko ang tawag niya.

"Ate, si Tita... she collapsed. We're in the hospital."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"What? Bakit hindi mo agad sinabi?"

"I tried, Ate. Pero hindi ka sumasagot."

Ang sakit ng boses ni Lani. Ramdam ko ang takot niya. At ramdam ko rin ang sarili kong pagkakamali.

Nagmadali akong pumunta sa ospital. At habang naglalakad ako sa mahabang corridor, naramdaman ko ang bigat ng bawat hakbang.

I was too late.

Tita was fine, eventually. But that moment... it was a wake-up call.

I realized then that while I was busy chasing my dreams, I was neglecting the people who mattered most.

Pero kahit pa naliwanagan ako noon, hindi ko pa rin kayang huminto. Hindi ko pa rin kayang tanggapin na may mali sa ginagawa ko.

I kept pushing myself. Eventually, I moved out and built something for myself.

Ang sakit lang isipin na noong kailangan nila ako, wala ako.

Pero noong ako ang nangangailangan... nandito pa rin sila.

Bakit ganito?

Bakit hindi ko na makita ang dating ako?

Where did that light go?

More Chapters